Handa na ang mga Simbahang Katolika para sa mga gaganaping simbang gabi ngayong Kapaskuhan, sa gitna ng pandemya sa COVID-19.
Ito ang tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) bilang pagsunod na rin sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).
Ayon kay CBCP Spokesman Fr. Jerome Secillano, magpapatupad ng ilang mga pagbabago ang mga simbahan para matiyak ang kaligtasan ng mga Filipinong mananampalataya na dadalo sa simbang gabi.
Kabilang na aniya rito ang pagtatakda ng mas maraming oras ng misa para maiwasan ang pagsisiksikan ng mga magsisimba.
Sa ilalim ng umiiral na panuntunan ng pamahalaan, hanggang 30% lamang ng kapasidad ng simbahan ang papayagang makapasok bilang pagtiyak na nasusunod ang physical distancing.