Hindi kumbinsido ang simbahang Katolika sa hakbang ng pamahalaan na supilin ang kultura ng Endo o kontraktuwalisasyon sa bansa
Ayon kay Manila Auxillary Bishop Broderick Pabillo, maganda ang layunin ng mga binitiwang pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte ngunit kailangang maramdaman ito ng publiko
Dahil dito, sinabi ng obispo na kanilang babantayan kung tutuparin ng Pangulo ang pangako nito na ipapasara ang mga kumpaniyang lumalabag sa batas paggawa
Una nang inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na inatasan na nito ang kanilang mga regional offices upang itigil ang pagpoproseso para sa third party labor contractors
By: Jaymark Dagala / (Reporter No. 5) Aya Yupangco