Makakatulong ang Simbahang Katolika para maiangat ang kumpiyansa ng publiko sa mga bakuna kontra COVID-19.
Ito ang inihayag ni Catholic Bishops’ of the Philippines committee on public affairs Executive Secretary Jerome Secillano dahil pa rin sa agam-agam ng publiko sa pagpapabakuna.
Ayon kay Secillano, kung tatanggapin ng pamahalaan ang alok na gawing vaccination sites ang mga simbahan ay mas mahihikayat ang mga tao na magpabakuna.
Maliban sa vaccination sites, nagbibigay din ng libreng counseling ang ilang simbahan para sa mga nais magpabakuna.