Ipinaalala ng Simbahang Katolika ang mga pananagutan ng bawat mananampalataya ngayong Undas
Ayon kay Fr. Francis Lucas, Pangulo ng Catholic Media Network, hindi dapat katakutan ng mga pilipino ang All Saint’s Day at All Soul’s Day
Dapat aniyang ilaan ang mga araw na ito sa panalangin para sa mga namayapang mahal sa buhay at hindi sa mga nakakatakot na nilalang.
“Imbes na gamitin yung tunay na kahulugan ng All Souls Day na pinapanalangin natin at Nov. 1 na mag piyesta tayo sa mga santo, suotan natin ang mga bata ng mga santo para hindi nakakatakot, eh nabaligtad na. Sa Sementeryo nagiging party na, parang wala na tayong respeto sa mga patay.”
Kinumpirma rin ni Fr. Lucas na may mga kaluluwa ring hindi matahimik kaya’t nagpaparamdam sila sa mga buhay pa rito sa lupa.
Ngunit nilinaw nito may posibilidad ding gawa ng diyablo ang pag-aanyo ng kaluluwa na siya namang nagpapakita sa mga nabubuhay at hindi ang mismong namayapa.
“Kasi dumarami na ang yung pag atake ng mga diyablo, mga elementals, kung anu-ano yan, kalabanan natin yan at sana bumalik tayo sa Panginoong Diyos at patuloy na manalangin at magkaroon tayo ng debosyon,” paliwanag ni Lucas.
By: Jaymark Dagala