Nagpaabot na ng pakikiramay ang mga lider ng simbahang katolika sa pamilya ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal.
Sa kanilang post sa Facebook ipinaabot ni CBCP President Archbishop Socrates Villegas ang simpatiya sa mga kaanak ni Vidal at umapela sa publiko ng dasal para sa pamilya.
Pinuri ni Villegas si Vidal dahil sa matinding devotion nito sa mahal na birhen at dapat aniyang manatili sa puso ng lahat ang wisdom at kababang loob ng yumaong kardinal.
Hinimok ni Villegas ang mga katolikong magtungo sa Cebu Metropolitan Cathedral para alalahanin ang mga kontribusyon ng pinakamatandang kardinal ng bansa.
Si Cardinal Vidal ay nagsilbing pangulo ng CBCP mula 1986 hanggang 1987 at gumanap ng mahalagang papel sa EDSA People Power One na nagpatalsik sa dating Pangulong Ferdinand Marcos.