Nakikiisa ang Archdiocese of Manila sa naging panawagan ni Pope Francis sa mga mananampalataya para sa misa at iba pang aktibidad na gaganapin ngayong araw.
Ito ay para ipanawagan ang panunumbalik ng kapayapaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Pangungunahan ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang panalangin kasama ang iba pang kinatawan ng simbahang katoliko mamayang alas-sais ng gabi.
Magkakaroon din ng prosisyon at pagdarasal ng Rosario sa Plaza, Roma ng Manila Cathedral.
Matatandaan na ang patuloy na bakbakan sa pagitan ng dalawang bansa ay nagresulta ng mataas na presyo ng langis at ng iba pang pangunahing bilihin sa bansa. — sa panulat ni Angelica Doctolero