Nanawagan ang Simbahang Katolika sa mga mananampalataya na patuloy na ipagdasal ang kalagayan at kalusugan ni Pope Francis.
Ayon kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown, na ang problema sa tuhod ng Santo Papa ang nagresulta sa kanselasyon ng kamakailan niyang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.
Una nang ipinagpaliban ng Vatican ang apostolic trip ni Pope Francis sa South Sudan at Congo, kasunod ng payo ng kanyang mga doctor na magpahinga na lamang ito.
Bukod pa dito, hindi din makadadalo si Pope Francis sa Corpus Christi Mass at Procession o ang Kabanal-banalang Katawan at Dugo ni Kristo dahil sa kanyang kondisyon.
Nakatakdang ipagdiwang ng simbahang Romano Katoliko ang Corpus Christi Mass at Procession sa Basilica of Saint John Lateran sa Linggo, Hunyo a-19.