Dapat maging transparent ang gobyerno sa posibleng imbestigasyon ng International Criminal Courto (ICC) sa war on drugs ng Duterte administration.
Ito ang apela ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) matapos ang pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na iisnabin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ICC Investigation.
Ayon kay CBCP Episcopal commission on the laity chairman at Manila Auxillary Bishop Roderick Pabillo, isang welcome development ang naging hakbang ni dating i.c.c. Prosecutor fatou bensouoda.
Kung wala naman anyang kasalanan ay sisipot ang sinumang ipatatawag sa imbestigasyon.
Ipinunto rin ni Pabillo na karapatan ng taumbayan na marinig ang paliwanag ng mga isinasangkot na opisyal bilang bahagi ng demokrasya. —sa panulat ni Drew Nacino