Nanawagan na ang Simbahang Katolika sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.
Kasunod ito ng muli na namang naitalang kaso ng polio sa bansa matapos itong ma – eliminate noong mga nakalipas na taon.
Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, dapat na hindi mapalagay at patuloy na kumilos para labanan ang mga nakamamatay na sakit.
Bukod sa mga magulang ay hinikayat ni Pabillo ang gobyerno na huwag tumigil sa paghikayat sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.
Marapat aniyang maipakita ng gobyerno ang sinseridad nito para muling makuha ang tiwala at kumpiyansa ng mga magulang sa pagbabakuna.