Nanawagan sa publiko ang Simbahang Katolika partikular na sa mga mananampalataya na dumalo at makiisa sa siyam na araw na Simbang Gabi na magsisimula bukas, December 16, 2022 na tatagal naman hanggang 24.
Ayon kay Archdiocese of San Fernando Archbishop Florentino Lavarias, maaari nang aktuwal na dumalo ang mga parokyano sa misa na sisimulan sa madaling araw.
Nilinaw ni Lavarias, na pinapayagan na ang face-to-face mass sa Simbang Gabi at hindi na sa pamamagitan ng virtual at on-line na panonood ng banal na misa sa mga opisina, pribadong tahanan, at mga establisyimento, kabilang na ang mga istasyon ng radyo at TV.
Ayon sa Simbahang Katolika, ang Simbang Gabi ay ang paglalaan ng oras sa Diyos at pagbibigay ng papuri at parangal sa Mahal na Birheng Maria.