Nanawagan sa publiko ang Simbahang Katolika na wakasan na ang pagsusugal dahil nakakasira lamang ito sa buhay ng isang tao.
Kasunod ito ng pagkawala ng maraming mga sabungero at pagkakaaresto ng ilan pang mga indibidwal dahil sa ibat-ibang uri ng pagsusugal kabilang na ang Online sabong o E-sabong.
Ayon kay Novaliches Bishop Roberto Gaa, kailangang siyasating maigi ng isang indibidwal kung ano nga ba ang posibleng maidudulot ng pagsusugal.
Sinabi ni gaa na hindi nagbubunga ng magandang resulta ang pagsali sa mga online games kung saan, kailangan mo munang maglaan ng pera para manalo.
Dagdag pa ni gaa na inilalagay lamang nito sa panganib ang kanilang buhay at pamilya. —sa panulat ni Angelica Doctolero