Isinusulong ngayon ng simbahang Katoliko ang “Responsible Parenthood” kaysa sa 3-child policy na unang iminungkahi ni incoming president Rodrigo Duterte.
Ayon kay Malaybalay, Bukidnon Bishop Jose Cabantan, tiwala ang simbahan na magiging moral at may dignidad ang pamumuhay ng bawat tao kung malayo ito sa pagtanggap sa “contraceptive culture.”
Una rito, inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na sa kasalukuyang nasa 100.98 milyon ang populasyon sa Pilipinas sa 2016.
Dahil dito, hinamon ngayon ni Bishop Cabantan ang lahat ng pamilyang pilipino na bigyan ng malaking pagpapahalaga ang mamuhay ng moral.
Ninanais rin ng obispo na makita sa Duterte administration ang kapangyarihan ng “human resource” sa pagpapalago ng ekonomiya.
By: Mariboy Ysibido