Tiniyak ng Simbahang Katolika ang buong suporta nito para kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa presidente ng CBCP na si Archbishop Socrates Villegas, nais ng simbahan na huwag silang ituring na kaaway ni Pangulong Duterte lalo na kapag hindi nagkakasundo ang simbahan at gobyerno hinggil sa ilang mga usapin.
Magugunitang nangako si Pangulong Duterte noong nangangampanya pa ito na ibubulgar nito ang lahat ng itinatagong baho ng mga opisyal ng simbahan.
Samantala, bagaman susuportahan ng simbahan si Duterte, sinabi ni Villegas na patuloy pa rin nilang babantayan ang bagong Pangulo sa buong 6 na taong termino nito.
By: Avee Devierte