Hindi umano direktang apektado ang mga nag-si-simbang gabi ng pinalawig na martial law sa Mindanao.
Ayon kay Ozamiz Archbishop Martin Jumoad, kung tutuusin ay mas magiging masaya siya at mapapanatag kung may mga sundalo siyang nakikita sa siyam na araw ng Simbang Gabi o Misa de Gallo.
Kahit noon anyang nasa Isabela, Basilan siya ay masaya silang may nakikitang mga sundalo habang may Misa de Gallo.
Ipinunto ni Jumoad na wala namang masama at hindi dapat ikatakot kung mayroong militar na nagpa-patrol lalo’t disiplinado at kagalang-galang ang mga sundalo sa mga mamamayan.