Sumisimbolo sa simpleng pamumuhay ang paglahok sa traslacion nang nakayapak.
Ayon kay Msgr. Hernando Coronel, rector ng Minor Basilica of the Black Nazarene, ipinapaalala aniya sa mga deboto na wala namang sapatos ang tao nang ito ay isilang sa mundo.
Simbolo rin aniya ito ng pagpapakumbaba at hindi paglimot sa ating pinagmulan.
Sa loob ng maraming taon na ginaganap ang traslacion, tinitiis ng mga deboto ang sampu o mahigit pang oras ng paglalakad nang nakayapak para sa traslacion.
—-