Asahan na ang unti-unting paglamig ng klima lalo sa umaga makaraang opisyal nang ideklara ng pagasa ang pagsisimula ng Northeast monsoon o amihan season.
Base sa obserbasyon ng PAGASA, magiging dominante ang amihan, na magdadala ng malamig na hangin, lalo sa Northern Luzon sa mga susunod pang araw.
Inabisuhan din ng weather bureau ang publiko at ilang ahensya ng gobyerno na maging alerto upang maibsan ang posibleng epekto ng amihan.
Ito’y dahil inaasahan pa rin ang pag-ulan kahit umiihip ang northeastern monsoon.—sa panulat ni Drew Nacino