Pasado na sa Kamara ang panukalang aamyenda sa Public Land Act of 1936 o ang House Bill 772.
Oras na maisabatas mas magiging simple ang mga paraan ng pagbebenta ng mga lupang pang-agrikultura na pagmamay-ari ng pamahalaan.
Kung saan sa halip na anim na beses dapat maglabas ng abiso sa official gazette at dalawang pahayagan gagawin na lamang itong dalawang beses.
Habang kung ang halaga ng lupa ay hindi hihigit ng P50,000, hindi na kailangang ilagay pa ito sa pahayagan at tanging kailangan na lamang ilagay ang abiso sa tatlong lugar—sa barangay, munisipyo, at sa lupang binibili o ibinebenta.
Matapos ang 30 araw ay maaari nang ibenta ang lupa na ‘di hamak na mas maikli kumpara sa umiiral ngayong 60 araw.