Gugunitain bukas, araw ng Lunes ang ika-11 anibersaryo ng malagim na Maguindanao massacre na ikinasawi ng 58 kabilang na ang 32 miyembro ng media.
Isang simpleng candle lighting ceremony lamang ang gagawin sa lungsod ng Heneral Santos subalit hindi pa malinaw kung may gagawin ding aktibidad sa mismong massacre site sa Sitio Masalay, Brgy. Salman, Ampatuan sa Maguindanao.
Ayon sa ilang ka-anak ng mga biktima, nananatili pa rin ang takot at pangamba dahil nananatiling at-large ang mga suspek gayundin ay pinapatay ang mga tumetesigo sa kaso.
Gayunman, hindi nawawalan ng pagasa ang mga ka-anak ng mga naging biktima ng karumal-dumal na krimen na makakamit pa rin nila ang 100% katarungan upang tuluyan nang maghilom ang sugat mula sa pinakamadilim na bahagi ng kasaysayan.