Pamilyar ba kayo sa sakit na meningitis?
Ang meningitis ay impeksyon kung saan ang mga lining na pumoprotekta sa utak at spinal cord ay namamaga.
Ang sakit na ito ay may ibat-ibang uri — maaaring ito ay bacterial meningitis, viral meningitis, fungal meningitis, parasitic meningitis, amenic meningitis at non-infectious meningitis.
Posibleng makuha ang nasabing sakit sa pamamagitan ng pagkonsumo ng kontaminadong pagkain, paglangoy o aksidenteng pag-inom ng kontaminadong tubig, paglanghap ng fungi, at iba pa.
Kabilang si sintomas ng meningitis ang ang trangkaso, pananakit ng ulo, pagkahilo, stiff neck, kombulsyon, at iba pa.
Kung makaranas naman ng sintomas ng nasabing sakit ay posible itong magamot sa pamamagitan ng pag-inom ng antibiotics, antifungals, antivirals, at pain relievers.
Sakali mang lumala ang sintomas ng sakit ay mas mainam na magpakonsulta na sa doktor.