Nagpasya ang Commission on Elections (COMELEC) na simulan nang mas maaga ang voting hour sa Mayo 9.
Sa kanyang pagharap sa pagdinig sa joint congressional oversight committee on the automated election system, sinabi ni COMELEC Commissioner Christian Robert Lim na sa halip na alas-7:00 ng umaga magsisimula ang pagboto, gagawin na ito ng alas-6:00 ng umaga at matatapos alas-5:00 ng hapon.
Layon nito na ma-accommodate ang pag-iimprenta ng voter receipts.
Ipinabatid din ni Lim na alas-5:00 pa lamang ng madaling-araw ng Mayo 9 ay magsisimula nang maghanda ang mga board of election inspector para sa halalan.
Pinatitiyak naman ni Committee Chair Senador Koko Pimentel sa COMELEC na maipararating sa mga botante ang bagong voting hours.
All system go
Muling tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na matutuloy ang halalan sa Mayo 9.
Sa kanyang pagharap sa joint congressional oversight committee on the automated election system, sinabi ni Commissioner Christian Robert lLm na walang mangyayaring postponement sa eleksyon.
Ito’y sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema na nag-aatas sa COMELEC na mag-imprenta o mag-isyu ng resibo sa botohan.
Ayon kay Lim, magsisimula ang bidding para sa gagamiting thermal paper sa Abril 5 at inaasahang magde-deliver ito sa Abril 20.
By Meann Tanbio | Jelbert Perdez | Cely Bueno (Patrol 19)