Idineklara na ng bangsamoro mufti ang pagsisimula ng pag-aayuno ng mga Pilipinong Muslim, para sa banal na buwan ng Ramadan.
Magsisimula ito bukas, araw ng Linggo Abril 3.
Mismong si Sheikh Abu Huraira Udasan, Executive Director ng Bangsamoro Darul-Ifta’ at Grand Mufti of the Bangsamoro ang nag-anunsiyo ng ulat matapos ang tradisyunal na moon-sighting activity.
Magkakaiba ang deklarasyon ng pagsisimula ng Ramadan sa bawat bansa, dahil nakadepende ito sa lunar sighting sa kanilang lugar.
Ang Ramadan ang ika-9 na buwan sa Islamic Calendar na sinusunod ng nasa 1.7B Muslim sa buong mundo.
Sa nasabing buwan, hindi kakain o iinom ang mga muslim maliban sa mga mayroong problema sa kalusugan at hindi rin magkakaroon ng sexual activity at maninigarilyo.
Magtatapos ang buwan ng ramadan sa Eid Al-Fitr. – sa panulat ni Abby Malanday