Mahaba na ang pila sa isang mall sa Ermita, Maynila gayundin sa isang eskuwelahan sa Caloocan City para sa unang araw nang pagbabakuna ng A4 category o economic frontliners.
Sa Maynila apat na malls ang binuksan upang mabakunahan ang mga pasok sa A4 category para sa 750 doses lamang ng COVID-19 vaccine.
Sinabi ni Mayor Isko Moreno na kailangan munang magpa-register subalit hindi nakasaad kung anong oras dapat dumating o saang vaccination site dahil mismong ang mga magpapa bakuna na ang pipili basta’t nakapagpa register na at nabigyan ng QR code.
Samantala,sa caloocan city naman,isa ang Maria Clara High School sa mga vaccination site para sa A4 category at kung saan 400 lamang ang pupuwedeng mabakunahan sa initial dose ng Sinovac .
Mahigit 200 katao naman ang nakatakdang bakunahan sa second dose ng Astrazeneca vaccine sa Caloocan City.