Nagsimula na ang simulation activity para sa COVID-19 vaccination program sa Maynila.
Ito ay bilang paghahanda ng lokal na pamahalaan sa pagbili ng bakuna.
Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang simulation na ginawa sa Palma hall ng Unibersidad De Manila.
Ipinakita rito ng Manila health department ang vaccination process.
Ayon kay Mayor Isko, ang isinagawang simulation ay magsisilbing “stress-test” sa LGUs.
Dito aniya nila malalaman kung ano ang mga posibleng scenario na pwedeng makapagpabagal o posibleng mishandling ng products.
Sa pamamagitan aniya ng aktibidad na ito ay kanilang naaaral ang mga posibleng makaharap na problema sa oras na dumating na ang bakuna kontra COVID-19.