Nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng Taal, Batangas ng COVID-19 vaccine simulation drive bilang paghahanda sa prosesong pagdaraanan sa pagbabakuna laban sa virus.
Tinatayang nasa 70 residente ang nakiisa sa simulasyon na nilahukan ng ilang mga barangay health workers.
Sa isinagawang pagsasanay, susunduin ng ambulansya ang residenteng boluntaryong magpapaturok ng bakuna kontra COVID-19 at pagkatapos bakunahan ay oobserbahan ng 30 minuto ang pasyente.
Sakali makaranas ng side effects ang pasyente, may ambulansyang nakaantambay upang agad na isugod ito sa ospital ngunit kung wala naman sintomas na maranasan ay maaari na itong makauwi.
Batay sa isinagawang simulasyon, nasa 500 hanggang 1,000 kada araw ang kayang mabakunahan.
Samantala, ang Taal, Batangas ang kauna-unahang lugar sa CALABARZON na nagsagawa ng naturang simulasyon.—sa panulat ni Agustina Nolasco