Isang simulation exercise para sa pagbubukas ng SEA Games sa November 30 ang isasagawa bukas.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, magpapatupad sila ng ‘stop and go traffic scheme mula alas 2:00 hanggang alas 4:00 bukas ng hapon.
Ang opening ceremony ng SEA Games ay isasagawa sa Philippine Arena sa may NLEX sa pagitan ng Bocaue at Sta. Maria, Bulacan.
Ang mga apektadong kalsada mula Metro Manila patungong Philippine Arena ay ang EDSA, Roxas Blvd, NLEX, España Blvd at Quezon Avenue.
Mula Tagaytay hanggang Philippine Arena, ang mga apektadong kalsada ay ang Cirsanto Delos Reyes Avenue, Gov. Ferrer Drive, Gen. Antonio, Centennial Drive, Cavitex, Coastal Road, Roxas Blvd, EDSA at Ciudad De Victoria Exit ng NLEX.
Mula naman sa Subic, Zambales patungo ng Philippine Arena, apektado ang Olongapo-Bugallon Road, Dewey Avenue, Rizal Highway, SFEX, SCTEX at Ciudad De Victoria Exit ng NLEX.
Kung magmumula naman sa Clark, Pampanga patungo ng Philippine Arena, apektado ang Prince Balagtas Avenue, SCTEX at Ciudad De Victoria Exit ng NLEX.
TINGNAN: Mga rutang maapektuhan ng simulation exercise ng 30th SEA Games opening ceremony bukas, Thursday, Nobyembre 14 | via @MMDA pic.twitter.com/spVxZ27R3B
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 13, 2019