Isinagawa sa lungsod ng Maynila ang simulation ng pagpapabakuna laban kontra COVID-19 bilang paghahanda sa pagdating ng bakuna sa bansa.
Nanguna si Mayor Isko Moreno sa isinagawang simulation vaccination.
Ayon pa sa alkalde tatanggap sila ng mga nagbabalak mag-walk-in sa COVID-19 vaccination program.
Bibigyan rin ng lokal na pamahalaan ng Maynila ng ID kapag natapos na magpabakuna na maaaring i-download online.
Nakalagay sa naturang ID ang araw kung kailan nagpabakuna, ilang dose, at anong brand ang ginamit.
Samantala, pinag-aaralan pa kung saan itatayo ang mga vaccination sites sa Maynila.