Magkakasa ng simultaneous flag-raising at wreath-laying sa ilang national historical sites ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP), bukas June 12.
Ito ay bilang bahagi ng ika-124th selebrasyon ng Araw ng Kalayaan.
Ayon kay NHCP senior researcher Francis Kristoffer Pasion, isasagawa ito sa Barasoian Church sa Malolos, Bulacan, Andres Bonifacio Monument sa Caloocan City at Mactan Shrine sa lalawigan ng Cebu.
Samantala, pangungunahan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang komemorasyon ng Araw ng Kalayaan sa Rizal Park.
Maliban dito, magsasagawa rin ng socio-civic parade, cultural shows at job fair sa Kawit, Cavite kung saan unang idineklara ni Pangulong Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng bansa.