Muling nanawagan ang Metro Manila Development Authority o MMDA sa publiko na makiisa sa isasagawang Simultaneous Nationwide Earthquake Drill sa Hunyo 22, araw ng Miyerkules.
Sa panayam ng DWIZ kay MMDA General Manager Corazon Jimenez, mahalaga ang nasabing drill upang maihanda ang publiko sakaling maranasan ang malaking trahedya tulad ng pagtama ng Magnitude 7.2 na lindol.
Kasunod nito, hinimok din ni Jimenez ang mga motorista na tumigil saglit sa pag-usad kapag narinig na ang signal na kanilang patutunungin hudyat ng pagsisimula ng drill.
by: Jaymark Dagala