Isinusulong ng Department of Health (DOH) na patawan ng sin tax ang asin at mga pagkaing maalat.
Ito ay matapos lumabas ang ulat na bilyon-bilyong piso ang nawawala sa ekonomiya ng bansa dahil sa mga non-communicable diseases.
Ayon sa United Nations Interagency Task Force, ang mataas na pagkonsumo ng asin ang isa sa mga sanhi ng pagkakaroon ng non-commincable disease sa bansa.
Paliwanag naman ni Health Secretary Francisco Duque III, nagkaroon ng magandang resulta ang pagpataw ng sin tax sa mga matatamis na inumin.
Dagdag pa ng kalihim, umaasa sila na ganito rin ang magiging epekto kung papatawan din ng mas mataas na buwis ang asin at maalat na pagkain.
Base sa datos ng World Health Organization, 68% ng dahilan ng pagkamatay sa bansa ay dulot ng mga non-communicable diseases katulad ng cancer, diabetes, stroke at sakit sa puso.