Tiniyak ng PNP o Philippine National Police ang pagbibigay ng tulong ligal ang babaeng pulis na sinaktan at minura ng sinibak na Hepe ng Eastern Police District.
Sa ambush interview, sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde, maaaring magbigay ng abugado kay Police Corporal April Santiago ang legal service ng pambansang pulisya.
Dagdag ni Albayalde, sakaling masampa ng Criminal Case si Santiago, uusad pa rin ang kasong administratibo laban kay Brig. Gene. Christopher Tambungan.
Iginiit ng Heneral, mali ang ginawang pananakit ni Tambungan kay Santiago dahil Gender Sensitive aniya ang PNP.
Binigyang diin ni Albayalde, may tamang paraan para parusahan ang mga nagkamaling pulis katulad ng pagsasampa ng kaso kung hindi nakasunod sa kautusan ng nakatataas.