Nanawagan ang Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG sa Department of Agriculture na bumili ng palay o unmilled rice mula sa mga lokal na magsasaka.
Ito’y ayon kay SINAG Chairman Rosendo So ay dahil sa patuloy na pagbagsak ng presyo ng mga locally produced na bigas dahil sa pagdami ng mga inaangkat na bigas ng bansa.
Ayon pa kay so, kailangang bilin aniya ng pamahalaan sa tamang presyo ang bigas sa mga magsasaka sa labing siyam na piso kada kilo kung dry harvest o labing anim na piso kada kilo para sa fresh harvest.
Wala pang tugon ang agriculture department hinggil sa naturang usapin.