Iginiit ni samahang industriya ng agrikultura o Sinag President Rosendo So na dapat mas tutukan ng gobyerno ang pagbibigay suporta sa lokal na produksyon ng agrikultura sa bansa.
Aniya, hindi dapat pag-a-angkat ng produkto ang laging gawin solusyon ng gobyerno sa nararanasang kakulangan at pagtaas ng presyo sa pangunahing bilihin.
Samantala, sinabi ni So na matutugunan ang naturang problema sa oras na dumagsa ang tulong mula sa naturang produksyon ng agrikultura.—sa panulat ni Airiam Sancho