Iginiit ng AFP na underground houses ng CPP NPA ang sinalakay na mga opisina ng militanteng grupo sa Bacolod City.
Ito ayon kay Brigadier General Eric Vinoya, Commander ng Joint Task Force Negros ay kaya’t nagsisinungaling ang Makabayan Bloc sa pagsasabing legal na opisina ng mga militante ang mga sinalakay ng mga pulis at sundalo.
Sinabi ni Vinoya na walang permit ang mga opisina, walang signages sa labas at wala rin sa directory ang kanilang address bukod sa hindi rin ito matagpuan online.
Mas madalas aniyang nakasara ang mga naturang underground houses dahil dito itinatago ang mga armas at mga sugatang rebelde.
Bukod sa mga naarestong front leaders nadiskubre rin sa mga sinalakay na opisina ang mga baril samantalang nasagip din sa operasyon ang maraming kabataang bagong recruits.