Itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte si NCRPO Director Police Major General Debold Sinas bilang susunod na Philippine National Police (PNP) Chief.
Ipinabatid ito ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagsabing kaagad magsisimula ng kaniyang tungkulin si Sinas bukas, na opisyal na pagreretiro ni PNP Chief General Camilo Cascolan.
Sinabi ni Roque na napabilib ni Sinas ang Pangulong Duterte sa malaking kontribusyon nito sa war on drugs campaign ng gobyerno na pangunahing factor din kaya’t itinalaga ito bilang PNP chief.
Tinalaga po ni President Rodrigo Duterte si Debold Sinas bilang bagong Philippine National Police chief effective po bukas, November 10,” ani Roque.
Magugunitang nasangkot si Sinas sa ‘mañanita’ party sa pagdiriwang nito ng kaniyang kaarawan, dahil sa kawalan ng physical distancing.