Nag-sorry na si NCRPO Chief Major General Debold Sinas sa idinaos na birthday party niya.
Kasunod na rin ito nang pagkalat sa social media ng mga litrato sa mismong birthday party ni Sinas sa kabila nang umiiral na enhanced community quarantine.
Ayon kay Sinas sobrang saya lamang niya sa ibinigay na mañanita o salubong sa kaniyang birthday subalit sumunod naman sila sa lahat ng mga dapat gawin base na rin sa anti COVID-19 measures na ipinatutupad ng gobyerno.
Ipinabatid pa ni Sinas na ilang kumalat na litrato sa social media ay edited at kinuha sa mga lumang post.