Hindi sisibakin sa puwesto si Southern Police District (SPD) Director Nolasco Bathan.
Ito ang inihayag ni NCRPO acting Director Brig. General Debold Sinas matapos niyang atasan ang Regional Interal Affairs Service (RIAS) na imbestigahan ang insidente ng pang-aagaw ni Bathan sa cellphone ng TV reporter na si Jun Veneracion.
Ayon kay Sinas, ipauubaya na lamang niya sa Regional Internal Affairs Service ang pagtukoy kung nagkasala si Bathan bagama’t naniniwala naman siyang ginampanan lamang nito ag tungkulin.
Kasabay nito, humingi na ng paumanhin si Bathan kay Veneracion at sinabing kanya lamang napagkamalan ang TV reporter na kasama sa mga nagkakagulong deboto.
Dala aniya ng pagod at tindi ng sitwasyon kaya’t nagawa niya ang hakbang.
Magugunitang, inagaw ni Bathan ang cellphone ni Veneracion habang kinukunan nito ang pag-aresto sa isang deboto sa bahagi ng Ayala Bridge sa kasagsagan ng Traslacion ng itim na Nazareno noong Huwebes. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)