Pinabulaananan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas ang akusasyong ‘planted’ ang matataas na kalibre ng mga armas na nakumpiska kasabay ng pag-aresto kay Amanda Lacaba Echanis.
Ayon kay Sinas, hindi madaling itanim ang mga naturang bago at matataas na kalibre ng mga baril.
Iginiit ni Sinas, miyembro si Echanis ng isang underground movement at mismong ang asawa nito ay lider ng New People’s Army (NPA) sa Cagayan Valley.
Naaresto si Echanis, anak ng napatay na chairman ng Anakpawis na si Randall “Ka Randy” Echanis, sa bahagi ng Barangay Carupian sa Baggao, Cagayan kasunod ng ipinalabas na search warrant ng Metropolitan Trial Court 2nd Judicial Region.
Kasalukuyang nakakulong si Echanis kasama ang 1-buwang gulang nitong anak sa Regional Office ng Criminal Investigation and Detection Group.