Kukuwestyunin ng ilang grupo sa Korte Suprema ang mga sinasabing blangko sa Bicameral Conference Committee report ng 2025 national budget.
Ayon kay davao City Rep. Isidro Ungab, kasama siya sa mga mag-aakyat sa nasabing usapin sa kataas-taasang hukuman.
Nais anilang malaman kung paano napunan ng detalye ang mga blangko sa Bicam report bago ito nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at naging national budget law.
Una nang isinapubliko ni Rep. Ungab kasama si dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang natuklasang dalawampu’t walong blankong entries sa Bicam report, na nasa labingtatlong pahina at posibleng umabot sa bilyun-bilyong piso ang halaga. – Sa panulat ni Jeraline Doinog