Itinanggi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umiiral ang umano’y ‘discrepancies’ sa overseas absentee voting o OAV.
Ang pahayag ay ginawa ng DFA matapos isiwalat ni vice presidential candidate Sen. Bongbong Marcos Jr. na tila nagkakaroon na ng dayaan dahil ang ilang boto niya ay napunta umano kay Sen. Gregorio Honasan.
Giit ni Marcos, hindi kasi tumugma ang resibo sa boto sa sinasabing actual votes.
Subalit, binigyang diin ni DFA Undersecretary Rafael Seguis na hindi ‘authenticated’ ang naturang alegasyon.
Aniya, tiniyak na ng COMELEC na ang source code sa mga voting machines ay ‘verified’ at ‘certified’ ng mga international organizations.
By Jelbert Perdez