Pinabubusisi ng oposisyon sa kamara ang anito’y pagbuhos ng Malacañang ng discretionary funds sa malalaking ahensya ng gobyerno.
Kasunod ito nang pagbubunyag ni dating Senador Panfilo Lacson hinggil sa P424 billion peso lump sum na napunta sa 11 government agencies sa ilalim ng 2015 budget.
Binigyang diin ng mga kongresista na hindi dapat palampasin ang ibinunyag ni Lacson para hindi na ito maulit sa 2016 budget.
Iginigiit naman ni House Speaker Feliciano Belmonte na naaayon sa konstitusyon ang mga probisyon sa 2015 budget.
By Judith Larino