Pinaiimbestigahan na ng Department of Agriculture (DA) sa Bureau of Plant Industry o BPI ang balita hinggil sa diumano’y pekeng bigas na ibinebenta sa ilang bansa sa Asya gaya ng Indonesia, India at Vietnam.
Ang sinasabing fake rice ay gawa sa kamote na hinaluan umano ng synthetic resin o plastik na oras na malunok ay nakakasakit ng tiyan, nakalalason at maaaring makamatay.
Agad namang pinawi ni National Food Authority (NFA) Spokesman Angel Imperial ang pangamba ng publiko sa fake rice at tiniyak na hindi nahaluan ng peke ang inaangkat nilang bigas.
By Meann Tanbio