Itinanggi ni Armed Forces of the Philippines o AFP Chief of Staff Rey Leonardo Guererro na may namumuong iringan sa loob ng Philippine Navy.
Kasunod ito ng pagkakasibak kay Vice Admiral Ronald Joseph Mercado bilang hepe ng Philippine Navy.
Ayon kay Guererro, regular ang pakikipag-ugnayan niya sa Navy at wala siyang naririnig na anumang problema sa pagkakasibak kay Mercado.
Matatandaang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi nagustuhan ng ilang opisyal ng Navy ang pagkakatanggal kay Mercado dahil labag umano ito sa tradisyon ng change of command.
Si Mercado ay sinibak dahil sa di umano’y panggigipit sa pagbili ng barko ng Philippine Navy.
—-