Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation ang sinasabing panghihimasok ng China sa papalapit na eleksyon sa Pilipinas.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, ang Intelligence Division ng ahensya, na pinamumunuan ni Assistant Director Noel Bocaling, ang naatasang manguna sa imbestigasyon.
Nag-ugat ang imbestigasyon ng ahensya matapos humingi ng paliwanag ang National Security Council sa Chinese Embassy kaugnay sa sinasabing pagbabayad nito sa isang makati-based firm na mamahala sa mga tinatatawag na ‘dedicated keyboard warriors’.
Bukod pa rito nababahala rin si NSC Assistant Director General Jonathan Malaya kaugnay sa sinasabing information operations na pinopondohan ng nasabing bansa kung saan sinasabing layon nitong maimpluwensyahan ang political discourse sa Pilipinas.—sa panulat ni Kat Gonzales