Dapat nang isapubliko ng LRTA Administration ang umano’y problema sa pagkalugi ng sistema.
Sa panayam ng DWIZ, isiniwalat ni Bagong Alyansang Makabayan Secretary-General Renato Reyes na ito’y bunsod ng paggamit ng LRTA ng uncoded tickets o ticket coupons na aniya’y nagdudulot ng leakage ng supply nito.
Giit ni Reyes, bagama’t sumingaw na ang naturang anomalya ay walang malinaw na hakbang ang pamunuan ng LRTA upang mapanagot ang mga opisyal na posibleng sangkot dito.
“Nang malinaw kung ano ‘yung ginawa nilang imbestigasyon at walang malinaw kung kailan nila ‘yan balak ipaliwanag sa publiko, so parang pinagtatakpan lang nila ‘yung naging problema.” Pahayag ni Reyes.
By Jelbert Perdez | Ratsada Balita