Kusang-loob na sumuko sa mga alagad ng batas ang isang negosyante na suspek sa sinasabing kill plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Negros Occidental.
Ayon kay Chief Insp. Jovil Sedel, Hepe ng Bacolod City Police Station 6, sumurender ang suspek na si Bryan Ta-ala sa tulong ng legal counsel nito na si Atty. Leon Moya Jr. dahil sa kinakaharap na kasong illegal possession of firearms.
Sinasabing kanang kamay ni Ta-ala ang una nang naarestong suspek na si Wilford Palma na naiharap ni PNP Chief Ronald dela Rosa sa isang press briefing sa Camp Crame.
Una nang isiniwalat ni PNP Chief Ronald dela Rosa na ang mga smuggled parts ng mga baril galing sa Amerika na nagkakahalaga ng 4.5 million pesos ay gagamitin umano ng mga sindikato sa kill plot laban sa Presidente.
By Jelbert Perdez