Pinabulaanan ng China ang sinasabing tapping nito sa telepono ni Philippine Ambassador to the U.S. Jose Manuel Romualdez.
Ayon kay Chinese Ambassador to the philippines Huang Xilian, hindi sila nagkausap ni Ambassador Romualdez hinggil sa nasabing isyu.
Una nang ibinunyag ni Ambassador Romualdez sa isang forum sa isang unibersidad sa amerika na maraming beses na siyang nakunan ng mga impormasyon ng China.
Bukod dito, ilang beses din aniyang tinangka ng China na i-hack ang kanyang telepono kaya’t ilang beses niya itong pinalitan.
Mainit ang usapin ng seguridad sa Pilipinas dahil kamakailan lamang nang maaresto ang ilang Chinese National dahil sa sinasabing pang-eespiya. – Sa panulat ni Laica Cuevas