Tulad ng nangyari sa Bureau of Customs, padrino rin ang itinuturong dahilan kung bakit nagbitiw umano sa puwesto si Energy Secretary Jericho Petilla.
Batay sa ulat ng Rappler, sinasabing ang pagtatalaga ni Pangulong Noynoy Aquino kay Geronimo Sta. Ana bilang 5th Commissioner ng Energy Regulatory Commission o ERC.
Ayon sa source ng Rappler, iniuugnay si Sta. Ana sa kumpaniyang Aboitiz Group na itinuturing na isa sa mga pinakamalaking power players sa bansa.
Sinabi pa ng source na hindi umano kumportable si Petilla sa appointment ni Pangulong Aquino kay Sta.Ana dahil sa inilalagay nito sa alanganin ang ERC at ang interes ng publiko.
Magugunitang nagbitiw sa puwesto si dating Customs Commissioner John Sevilla dahil sa paglo-lobby ng religious group na Iglesia ni Cristo na ipasok si Atty. Teddy Raval sa enforcement and security service ng Aduana.
By Jaymark Dagala