Mayroon umanong nananabotahe sa government media entities tulad ng PNA o Philippine News Agency.
Ayon ito kay Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar kasunod ng panibagong blunder ng PNA.
Magugunitang noong nakalipas na linggo ay kumalat sa social media ang iba’t ibang news items ng PNA kung saan naisama sa headlines ang ‘notes’ ng editor.
Sinabi ni Andanar na mayroong IP address na pilit na pinapasok ang lumang server at dashboard ng PNA at may isang IP address na iniimbestigahan para makumpirma kung sinasadya ang blunders ng PNA.
Dahil ditto, naniniwala si Andanar na may gustong gumiba sa PNA, sa kaniya at lalo na sa Pangulong Rodrigo Duterte kaya’t inaasahan na rin nila ang cyber-attack tulad ng Radyo Pilipinas, ang government radio station.