Timbog ang dalawang nagbebenta ng mga pekeng gamot sa inilunsad na Buy-bust operation sa Quezon City.
Kinilala ang mga suspek na sina Jessieco Garcia Ibarola, 47-anyos at Fransisco Capillo Ramal, 45- anyos.
Ayon sa QCPD-Station 14, may nagtimbre sa kanila kaugnay sa iligal na aktibidad ng mga suspek kaya agad silang nagkasa ng operasyon.
Kabilang sa narekober mula kina Ibarola at Ramal ang iba’t ibang Counterfeit Essential Medicines, tulad ng 125 boxes ng Paracetamol, 55 boxes ng BioFlu, 25 boxes ng Alaxan FR at 19 boxes ng Medicol.
Nasakote ang dalawa sa gitna ng tumataas na demand ng mga nasabing gamot sa ubo, sipon at trangkaso kasabay ng paglobo ng COVID-19 cases sa bansa. —sa panulat ni Mara Valle