Ibinunyag ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang sindikato sa likod ng pananamantala sa mga benepisyong kanilang ibinibigay.
Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, inihayag ni PhilHealth President at CEO Dr. Alex Padilla na may ilang eye clinic at eye doctors na nag-aalok ng murang operasyon sa catarata ngunit binabayaran ng PhilHealth ng mahigit P700 bilyong piso.
Dahil dito, pumang-apat aniya ang operasyon sa katarata sa mga pinakamalaking binabayaran ng korporasyon.
Dagdag ni Padilla, mas masahol pa rito ang mga hindi nangangailangan ng operasyon ngunit patuloy ang operasyon sa ngalan ng reimbursement ng mga doktor.
By Jaymark Dagala